Broken inside..
many people told me na I am a strong person kase may strong personality daw ako. kase they always see smiling, joking,laughing and matapang. feeling nila parang wala akong problems. kung meron man, tinatawanan ko lang daw. of course, bat ko pakikita na nasasaktan ako? na pinanghihinaan na ko ng loob? na gusto ko ng mag-give up?. yeah, halos lahat ng problem ko dinadaan ko lang sa tawa, na kahit sa totoo lang, gustong gusto ko ng umiyak. wala akong mapagsabihan ng mga sama ng loob ko. wala man lang akong ate na makakarelate sa problema ko. meron nga akong kuya, lagi pa kaming nag-aaway. i wish someday, malaman din nya ang importance ng isang kapatid. na hindi na lang siya laging galit sa'kin. minsan, kahit gusto kong maglambing sa kanya, di ko magawa. ewan, natatakot na kong mapalapit sa kanya. minsan, ayoko ng umuwi ng house namin. I dont know why. kase dun ko lahat nafi-feel. sadness, emptiness, loneliness.. feeling ko mag-isa lang ako. ni hindi nila nakikita ang pag-iyak ko mag-isa. siguro nararamdaman din nila. kaso sila di rin nila alam kung paano ako ia-approach. dumadating ako sa point na hindi ako nagsasalita sa bahay. sasagot lang ako sa mga tanong nila. minsan kase kung sino pa yung dapat mong lapitan sa mga problema,sila pa yung nagiging dahilan kung bakit ka may problema. di man lang kamustahin kung masaya ba ko sa buhay ko. kung may problema ako. Namimiss ko na yung time na sabay sabay kami kumain, mkapag-kuwentuhan nang masaya, manood ng tv na magkakasundo, mamasyal sa labas. ang konti na nga lang namin, di pa magkasundo... :(
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home