I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Saturday, July 19, 2008

Lisensyadong Pakielamera

Around 4:30 am, bigla akong nagising, naalala ko, lalabas ang resulta ng board exam. Tinignan ko CP ko, nagtext si Aleng, sabi niya " Nakapasa daw tayo sabi" Ayokong umasa. Ayokong maniwala sa sabi-sabi. Nagreply ako, sabi ko, "weh? di nga? sino nagsabi?". Hindi na siya nagreply ulet. Kinakabahan na ko. Nagtext si Karl, "Meron na bang result?" sabi ko, "meron na daw sabi". Reply siya, "text mo ko pag alam mo ha. God Bless."

Around 7 am na, wala pa ding nagtetext sa'kin. Naalala ko, sinabi ko sa mga classmates ko, tetext lang nila ko pag pasado ako. Kung hindi, wag na lang mag text.

Di ako nakatiis, nagtext ako kay Karl. "Alam mo na ba resulta?"

Sabi niya..

"Diaz Jhoana Marie Cortez ba pangalan mo? kung ikaw yun, nakapasa ka!"

Heaven ang feeling. Taena, tao na ko! nyahahaha :D


Registered Social Worker na ko. Thanks kay Lord :)

1 Comments:

Blogger ayesa mikaela said...

wooot! :)

8:49 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home