I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Friday, May 20, 2005

TV programs..

nung nasa highschool ako..never akong nanonood ng mga chinovelas,teleseryes,telenovelas.. kase feeling ko ang baduy..(no offense sa mga nanonood) kase sa totoo lang nadadala ako ng emosyon ko (sabi nga saken ng roommate ko) naaasar ako pag binibitin yung situation..lalo na ng sumikat ang F4,5566 ata yun..at iba pa..minsan nag babasa ako ng nagchachat sa TV..tapos panay banggit ng F4 at meteor garden at parang patay na patay sila.. sabi ko wtf?!! sino ba yan?!!.. pag ako nabaliw dyan sa F4 na yan pag tatawanan ko sarili ko..and one time nanonood ang mga insan ko ng TV ko.. i saw 4 guys na mukhang asian at talagang may itsura.."joan yan ang F4" sabi ng insan ko.. cute nga sila..may K naman sila para kiligan..ang tanong may talents ba? o hidden talents na dapat itago na lang forever..oo cute sila pero kelangan pa bang mag download ng logo nila? or i-set ang kanta nila as a ringtone na hindi naman natin maintindihan? sabagay di naman natin sila masisisi..naalala ko pa non..ng grade schooler pa ko.. patay na patay ako sa the moffatts.. hhehe natatawa ako pag naaalala ko yun..talagang bumibili pako ng posters and tapes (di pa uso CD) anyway..ah may naalala ako..yung telenovela sa GMA i forgot the title..pero ang bida dun sila eddie garcia..maganda ung concept.iba-iba..hindi puro love-team..may halong family problems, society problems at sa politics din.. i admire the directors who can do a program like that..hindi puro love-team ni ganito at ni ganyan ang alam gawin..and sa totoo lang ngayong nasa college ako..nag-improve na sila..i started to appreciate their works.. eto ang para saken eh magandang panoorin..

1. Encantadia- GMA
--maganda kase kakaiba unlike others.. tsaka mapapansin mo talaga yung production design.. talagang full of effort..talagang ginagastusan..

2. Anghel na Walang Langit - ABS-CBN
--infairness..nakagawa din sila ng maganda-ganda..nakakatuwa kase yung mga bata dun..especially yung bata na nasa commercial ng isang mayonnaise ata yun.. magaling yung mga bata pati yung mga veteran actors and actresses..

pero sa totoo lang,hindi ako mahilig sa ganyan..mas gusto ko pa manood ng MTV at MYX.. pero nakakaaliw minsan panoorin..lalo na kung yun ang pinag-uusapan palagi..para maka-relate naman ako..

maganda din yung mga asian programs..

1. stairway to heaven- GMA
-- ang ganda ng story..nakakadala talaga..kaso pag tapos na..parang ang bigat sa loob..

2. endless love - GMA
-- kakaiyak.. kakalungkot ang ending..

3. lovers in paris - ABS-CBN
-- maganda..kakatuwa yung acting nila..parang totoo..pero ang panget ng ending daw nun..

4. Full House - GMA
-- laugh-trip..sobra..ang ganda pa nung bida dun...tska naaalala ko lagi yung kanta dun yung "may tatlong bear sa loob ng isang bahay" with action..hahhaha

5. All about Eve - GMA
-- nakaka-imbiyerna yung kontra bida..galing nya..pati ako naaasar nya..

im not an avid fan of those programs..pero nakakatuwang isipin na marami palang magaling na actors and directors pati staff na nakakagawa ng mga yun..sana sa tin magawa din natin or mas maganda pa dun.imagine-in mo, na pinapanood ng taga ibang bansa ang mga palabas natin tapos dina-dub sa salita nila..tapos inaabangan din tulad ng ginagawa natin..diba ang saya..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home