YFC camp
grabe na-miss ko ang YFC and na-miss ko si God..mga 2 yrs din ako hindi naging active..eh 3 yrs nako ngayon...never akong naging committed sa Kanya na ganon.. Ang dami ko nang hindi kilala.. at first nafi-feel ko parang ang lungkot ko kase ala ako ka-buddy but when I met Laarni..ok na..sobrang nag-pray ako nung nag-worship kame na sana hindi na ko kabahan sa baptism.. we went to a dark wide place at ang dami ang na-slain.. including me.. at first nilalabanan ko..pero di ko nakaya..bumagsak ako sa semento and na-fi-feel ko na lang na may nag aayos sa pagkakabagsak ko..that was my first time.. nakakapagod pala..concious ako sa nangyayari..pero iyak ako ng iyak at nakapikit.. di ko lang kayang igalaw ang katawan ko.. after few minutes..nakatayo na din ako.. and feeling ko, wala na lahat ng kaba.. during the healing session, i cant help myself but to cry.. naka-relate kase ako sa pinsan ko habang nagsasalita sya sa harapan.. sobrang hindi ko na naasikaso yung ibang participants.. lumapit sa ken si kuya anthony and he said na dapat ilabas ko na lahat ngayon kase kelangan mas strong daw ako sa baptism..sobrang saya ko talaga after that night..kahit medyo na badtrip ako ng nasa apartment kame para matulog.. kinabukasan, nagkita ulit kame ni Laarni..we shared some personal talks and i found a friend in her.. mabait sya...maganda pa..kahit rich kid hindi makikita sa kanya ang kaartehan ng isang coño.. anyways nung dumating na yung mga parents.. dumating sina mama pati sila tita..and nang sabihin ni tito Bong na lapitan ang parents and yakapin sila..hinanap ko kagad si ma, niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit and i said "sorry mama, sorry po talaga...sorry" umiiyak ako non.. sabi ni mama "ok" i realized my bad attitude towards my mother..sobrang sinasagot ko sya pag nag aaway kame..and im really sorry for that.. i saw my cousin randy umiiyak habang kino-comfort ni mama.. nakita ko ang mga parents kung pano sila bumigay sa healing..and many participants realized how powerful ni GOD. nang uwian, kinausap ako ni kuya raymond sabi nya " ano, next year na naman kita makikita!" sabi ko kuya ayoko mag-promise.. and he smiled.. i will not forget that camp and i wanna thank God for allowing me to accept Him again in my heart :)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home