I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Monday, October 16, 2006

My Buddy

I just don't know what to react with what I saw this early morning.

Yeah, I am happy for this person, a person who really deserves to be happy.

And with what I saw this morning, I really deserved that.. and I hate it.

Thursday, October 05, 2006

a glimpse of yesterday

sa totoo lang, kinakabahan ako sa po-post ko ngayon. Alam kong maraming makiki "usi". Pano ko ba sisimulan. Hay teka, hinga ng malalim. Ilang beses ko ng sinabi tong linya na to " naka-move on na 'ko" Pero sa ngayon, totoo na to. Promise. Ang tagal na rin, more than one year na rin ng iniwan niya ko. Yes, bitter ang dating, pero hinde, masaya na ko. Forgiven na siya, sa lahat ng ginawa niya. Pero minsan, may lihim pa rin akong "wish" para sa kanya, na alam kong hindi niya magugustuhan, minsan lang :D I wanna thank my cousin for helping me. Nagtyaga siyang magpaliwanag sa akin, kung ano ba dapat ang gawin ko. And finally, na-realize ko na din.

Minsan, tinatanong ako ng friends ko, at minsan ko na ring tinanong sa sarili ko, "Paano pag nagkita kami ulit, ano ang magiging reaksyon ko?" Hindi ko alam. Dedma na lang ba, mag ha-Hi, ngingiti.. ewan di ko alam. My cousin told me na kelangan ko na daw maging masaya. Masyado na daw akong unfair sa sarili ko. Kinulong ko ang sarili ko sa sakit na naramdaman ko dati. At dahil dun, naging unfair na din ako sa taong nasapaligid ko. Oo nga naman, bakit di ko bigyan ng chance ang sarili ko. I am not closing my door to anyone. Gusto ko rin namang mag mahal at mahalin. I am just waiting for the right time. I am waiting for a sign. Sign na dapat na ulit akong mag-invest, mag-effort, sa isang relasyon.

Sabi nga ng ex ko na hindi ko makakalimutang linya niya ng cool-off kami, "I need to reevaluate myself' and I am applying it now to myself. Ayoko na kaseng maulit yung dati, sa akin man, o sa magiging partner ko.