I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Friday, April 29, 2005

risk taker...

i can say na im inspired right now.. kahit na puro problems.. ang dami ngang nakahalata this past few days.. some one told me "iba ka ngayon..i think someone made your day" tsaka "ay si ate joan inspired.." well, sa totoo lang, "ngayon na lang ako ulit nag ka ganito" or should i say "ngayon lang ako nag ka ganito"... kase may isang taong nakakapag pasaya sa akin ngayon.. kahit na malayo sya sa kin... i can feel his presence.. minsan nga pag may ginagawa ako, biglang ako mapapahinto.. tapos maaalala ko yung mga corny jokes nya tska kaartehan nya sa buhay.. pati yung favorite expression nya, nagagaya ko na rin.. and it made me smile.. kahit na minsan napipikon na ko, hindi ko pa ring magalit sa kanya pang ng aasar na sya.. i dont want to look forward sa future with him.. baka ma-disappoint lang ako.. pero i want to live again.. i mean.. my heart dies many years ago and i want to give my heart a chance to live again.. i dont wanna be hopeless romantic forever.. in short i want to give myself a chance.. this time, I'll take risk..

Thursday, April 28, 2005

Dont know where to go..

tinawagan ko si ate annie sa phone kaninang umaga..i asked her about the result sa nilakad ni Tita Mila sa school ko (PLM) she told me na "joan, hanap ka na muna ng school mo, negative eh" so I said "sige sabihin ko na lang kay Ma" deep inside, i wanna cry.. Parang sa isip ko, "LordGod san mo ba talaga ako gusto?" then ate annie said "malay mo, di ka talaga para dun." siguro nga.. pero parang ang hirap ma-accept. actually while im doin this article, umiiyak ako..parang di ko na kayang tapusin to.. malabo na tingin ko sa screen.. di ko alam ngayon.. Im really hopeless.. ginawa ko naman lahat.. nag-aral naman ako mabuti.. siguro nga di talaga ako para dun.. yan medyo tumahan nako.. nahimasmasan na.. anyway Goodbye PLM.welcome my new school.. alam ko mabigat din loob ni mama pag nakikita nya kong pinang hihinaan ng loob.. pati si papa.. mama knows na i did my best.. nakikita nya nahihirapan din ako.. ang laki ng pinayat ko since ng nag-aral ako dun.. next week siguro, aalisin ko na gamit ko sa Dorm.. goodbye Dorm.. haha.. almost one year ko din tinirahan yun.. medyo nahihiya ako sa mga tita ko at kay mama.. pero sabi ni ma, wag daw, di naman daw ako bobo.. nagkataon lang na mataas ang standard ng school na yun.. sabi ni ate annie "hmp mas matalino ka pa nga kay **** eh yun bobo yun,ikaw matalino ka.." siguro nga.. ewan.. nakakasama ng loob.. parang yung school pa na yun ang sumira ng kinabukasan ko.. imbes nursing ako ngayon, napunta pa sa patapon na course.. ayoko naman talaga mag-aral dun.. pinilit lang ako.. kase daw, mura na high standard pa.. pero i wanna thank PLM na rin.. kung dahil sa kanila, di ko makikila ang mga taong naging bahagi na ng buhay ko.. mula sa blockmates ko nun sa psychology course.. hanggang sa socialwork course.. sa classmates ko sa "international section" pati sa ROTC platoon mates ko.. sa lahat.. pati sa tindera ng drinks sa canteen.. at mga taong naka batian ko kahit di ko sila kilala by name.. sa profs na pinahirapan ako.. thank you sa lahat.. some of them made me happy, some of them made cry, some of them made me laugh..pero kahit ano pa man yun.. PLM made me a strong person.. siguro sinubukan lang ako ni Lord kung hanggang saan ang faith ko sa kanya.. well bahala na Siya..

Monday, April 25, 2005

Broken inside..

many people told me na I am a strong person kase may strong personality daw ako. kase they always see smiling, joking,laughing and matapang. feeling nila parang wala akong problems. kung meron man, tinatawanan ko lang daw. of course, bat ko pakikita na nasasaktan ako? na pinanghihinaan na ko ng loob? na gusto ko ng mag-give up?. yeah, halos lahat ng problem ko dinadaan ko lang sa tawa, na kahit sa totoo lang, gustong gusto ko ng umiyak. wala akong mapagsabihan ng mga sama ng loob ko. wala man lang akong ate na makakarelate sa problema ko. meron nga akong kuya, lagi pa kaming nag-aaway. i wish someday, malaman din nya ang importance ng isang kapatid. na hindi na lang siya laging galit sa'kin. minsan, kahit gusto kong maglambing sa kanya, di ko magawa. ewan, natatakot na kong mapalapit sa kanya. minsan, ayoko ng umuwi ng house namin. I dont know why. kase dun ko lahat nafi-feel. sadness, emptiness, loneliness.. feeling ko mag-isa lang ako. ni hindi nila nakikita ang pag-iyak ko mag-isa. siguro nararamdaman din nila. kaso sila di rin nila alam kung paano ako ia-approach. dumadating ako sa point na hindi ako nagsasalita sa bahay. sasagot lang ako sa mga tanong nila. minsan kase kung sino pa yung dapat mong lapitan sa mga problema,sila pa yung nagiging dahilan kung bakit ka may problema. di man lang kamustahin kung masaya ba ko sa buhay ko. kung may problema ako. Namimiss ko na yung time na sabay sabay kami kumain, mkapag-kuwentuhan nang masaya, manood ng tv na magkakasundo, mamasyal sa labas. ang konti na nga lang namin, di pa magkasundo... :(

Wednesday, April 13, 2005

ampness

badtrip..badtrip talaga..hate na hate ko ang mga taong im-too-good-to-be-true...pakshit talaga...kung kelan nako-convince mo na yung sarili mo na you have to wait for the right one, tska naman may dumadating na hindi mo ini-expect na guguluhin ang magulo mo nang buhay..tapos pag na-fall ka na sa kanya, tska ka nya bibitawan, iiwana ka ng biglaan..mga taong mahilig mag-pasakay..bat ganon..tang-ina nila talaga..hayyy..nakakasama ng loob..