I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Tuesday, January 09, 2007

review

yes, this is it. ngayon ko na lang na-update ulet.. well, review ko lang lahat ng nangyari sa akin.

NOVEMBER, 2006

All Soul's day. For the first time ata, di kami umuwi ng Bulacan. sa totoo lang, tinamad kami ni mama na umuwi dun. Ang ginawa namin ni ma that day, nag bantay ng shop namin. pagdating ng hapon, inaya ako ni ma dun na puntahan yung puntod ng mga kamag-anakan ng papa ko. Before kami magpunta dun, dumaan kami ng simbahan, bumili ng kandila. Pagpasok namin sa sementeryo, may goodness, ang daming tao! parang ayaw ko ng tumuloy. eto pa ang masakit, hindi maalala ni mama kung saan ang puntod. kung saan-saan kami nagsusuot. sari-saring amoy na ang dumikit sa katawan ko, amoy ni manong na hindi yata naligo, mga bata na amoy sunshine, mga amoy ng kabataan na maghapong nag pa-cute sa sementeryo. naikot na namin ata ang Caloocan Cemetery eh hindi namin sila natagpuan. napagpasyahan na lang naming umuwi. Umuwing luhaan este pawisan.

mga ika-second week, naglipat kami ng gamit sa bago naming apartment. sa katabing street lang naman. Bagong bahay, bagong ambiance, bagong kakilala. actually wala pa kaming masyadong kilala dun. kanya-kanya kasi dun unlike sa inalisan naming dorm na mga chismosa tao.

DECEMBER, 2006

College day ng Human Development. Ang college ko. ang college kung na saan ang psychology, education, at social work. Dun mo makikita kung gaano katamad ang mga estudyante ng department of social work. ayaw magparticipate. ako ang nahihiya para sa kanila. este para sa amin pala :D

after namin mag attendance ng umaga, nag punta kaming lima ng tropa ko sa MOA o Mall of Asia. yes, ang sakit sa paa. di kinaya ng powers ko. sumuko ako. samantalang isang bldg palang ang nililibot namin. after namin kumain sa foodcourt ng pang maghapon na kain, nag-umpisa na kaming mag-ikot. nagpa-picture kami kay santa claus, kay pooh and friends. ang kinain namin na pang-maghapon ay umabot lang ng ilang oras sa tagal ng nilakad namin. buti na lang at nagsawa din ang mga kasama ko. nag-aya ng umuwi.

kinabukasan ay ipinagpatuloy ang college day. Sympre, ano ba naman ang aasahan mo sa kolehiyong kinukurakot ang funds, ayun. bakya. nag singing contest. may magaling kumanta, may naggagaling-galingan. at pasok sa 2nd and 3rd ang contestant na representative ng social work. nang natapos yun eh Miss Gay contest naman. ang tatgal bago magstart. kung sino-sinong banda-bandahan at banda-banda diyan ang nagsi-kanta. ang nakakatuwa lang sa contest na yun, ang representative namin sa social work ay lalaki talaga. hindi siya pa-mhin, or bading. siya kase ang nagprisinta na sumali. hay grabe laugh-trip. kung wala siya ng contest that night hindi ganong kainteresado ang tao na manood. he got the best in talent. O diba astig? nag sayaw siya ng tokyo drift na kanta:D

and this was the month na nagkaroon ako ng lovelife *blushing* hehe nabuhay ang lola mo. hindi na bitter. unlike sa last post ko. na ang arte-arte ng lovelife ko wahehe :D I am happy. even if there are some things na complicated between me and him, hindi ko na lang iniintindi yun. kahit na malayo siya, and it takes several days para magkita kami ulit, ok lang. Hindi siya katulad nung nasa August na post ko. ang laki ng difference nila. sobra. Minsan pag naiisip ko na aalis siya abroad, nalulungkot ako. yung maghihiwalay nga lang kami, ang sad ko na eh. yung aalis pa siya. Ayoko nga sabihin sa kanya na umiiyak ako minsan. baka sabihin na naman niya napaka-iyakin ko. ayoko kaseng panghinaan siya ng loob ng huwag na lang umalis. gusto ko nga, makaalis siya. Pero i told him na I will wait for him. Naks naman. Kinakabahan daw siya. Siguro baka kase iniisip niya na baka pag-uwi niya wala na siyang balikan. alam ko kung ano yung feelings niya tungkol dun.. And I understand. Obvious ba na love na love ko? :D

so, christmas.. Ayun, reunion ulet ng cortez clan. hindi ganong kasaya unlike sa mga past christmas namin. ngayon kase parang tipong maidaos lang. walang wa-wa noh? :D