I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Sunday, February 27, 2005

Astig ang Sponge Cola

nagpunta kase ang MTV and VJ hunt and sponge Cola..wala lang...para saken..astig ung concert nila sa school. (nakapanood ako kase free-concert yun)..kasama ko si leah,friend ko sa school..kahit wasted na kame tinapos pa rin namen..before ko sila mapanood, nakikita ko lang ang mga videos nila sa myx..tsaka ung mga kwento saken nung isa kong classmate na mabait daw cla tska matatalino and cute..medyo naging interesado ako sa kanila..tas magaganda pa ang lyrics ng songs nila..nang mapanuod ko sila, aminin ko, eh nakitili rin ako..and guess what?!!! nakatabi ko yung crush ko..hhahah..yun nga lang kasama nya ung GF nya :( nakita nya ko eh...syempre parang wala lang.. pero deep inside,kinikilig ako...anyway back to sponge.. gusto ko silang makipag-communicate sa tao..humble sila..saya nga eh..bibo raw ang mga tga PLM sabi nila..ewan ko kung pang-uuto yun... :)


armo and cris.. Posted by Hello


go gosh!!! Posted by Hello


yael yuzon vocalist of spongecola (and my ex bf.charing!!!)) Posted by Hello

Sunday, February 13, 2005

happy puso day..happy ba talaga?!

di ko lam bat naiinis ako pag valentine's day..hindi naman sa wala akong date..pero ewan ko kung baket.. siguro dahil hopeless romantic lang ako..tska parang sakit sa ulo..pwede naman di bang maging araw-araw ang valentine diba..kaso siguro para sa iba..magastos..hehehe...kaso mas lalo akong ma-aasar kung araw-araw yun..lahat kaya ng tao masaya pag valentine? sa tingin ko..hindi,para dun sa mga mag-isa..sa kaaway ang boyfriend or girlfriend..sa kakabreak lang.. sa walang nag-iinvite sa kanyang makipag date..pero ako hindi ako masaya..hindi rin naman ako malungkot...ewan..miski sarili ko di ko maintindihan...kayo na lang ang bahalang umintidi sa ken ha?!!

Wednesday, February 09, 2005

Na naman...

haaayyy maya-maya papasok na naman ako ng school... nakakasawa rin yung paulit-ulit na lang lagi yung ginagawa mo.Oo,inaamin ko napakabugnutin kong bata.. madali akong mainip.. madali akong mag-sawa... maliligo.. papasok sa school.. makisama sa mga plastik na tao..makinig sa nakakaboring na prof... sumagot ng napakahirap ng quizzes na hindi naman na discuss sa class... gumawa ng santambak ng research paper... kumain sa canteen or kung short sa allowance kakain kung san affordable.. .pag mahaba ang vacant.. eto mag-ne-net.. makipag bolahan sa mga ka-chat... and then time na!!! mag mamadali nang bumalik sa school para maunahan ang prof tas pag daiting mo "wala si ma'am!!" vacant na naman..nauubos ang pera at oras ko sa walang ka kwenta-kwentang bagay... uwian na.. .bibili ng pang dinner tapos diretso sa dorm... wala naman ang mga roomates ko... kakain... bubuksan ang tv... takte puro telenovela at teleserye... mag raradyo.. mahihiga sa tinuturing kong munting palasyo.. ang lower deck.. mag-iisip nang kung anu-ano.... palagi na lang bang ganon? wala na bang makakagpasaya sa buhay na ganito? ewan.. di ko alam...matutulog na lang ako...