I'm your Hell.. i'm your Dream..

Melancholy strikes...

Sunday, May 29, 2005


praisefest YFC camp DJV '05 the last night.. with 40+s active participants?! woohhoo saya!! Posted by Hello

YFC camp

grabe na-miss ko ang YFC and na-miss ko si God..mga 2 yrs din ako hindi naging active..eh 3 yrs nako ngayon...never akong naging committed sa Kanya na ganon.. Ang dami ko nang hindi kilala.. at first nafi-feel ko parang ang lungkot ko kase ala ako ka-buddy but when I met Laarni..ok na..sobrang nag-pray ako nung nag-worship kame na sana hindi na ko kabahan sa baptism.. we went to a dark wide place at ang dami ang na-slain.. including me.. at first nilalabanan ko..pero di ko nakaya..bumagsak ako sa semento and na-fi-feel ko na lang na may nag aayos sa pagkakabagsak ko..that was my first time.. nakakapagod pala..concious ako sa nangyayari..pero iyak ako ng iyak at nakapikit.. di ko lang kayang igalaw ang katawan ko.. after few minutes..nakatayo na din ako.. and feeling ko, wala na lahat ng kaba.. during the healing session, i cant help myself but to cry.. naka-relate kase ako sa pinsan ko habang nagsasalita sya sa harapan.. sobrang hindi ko na naasikaso yung ibang participants.. lumapit sa ken si kuya anthony and he said na dapat ilabas ko na lahat ngayon kase kelangan mas strong daw ako sa baptism..sobrang saya ko talaga after that night..kahit medyo na badtrip ako ng nasa apartment kame para matulog.. kinabukasan, nagkita ulit kame ni Laarni..we shared some personal talks and i found a friend in her.. mabait sya...maganda pa..kahit rich kid hindi makikita sa kanya ang kaartehan ng isang coño.. anyways nung dumating na yung mga parents.. dumating sina mama pati sila tita..and nang sabihin ni tito Bong na lapitan ang parents and yakapin sila..hinanap ko kagad si ma, niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit and i said "sorry mama, sorry po talaga...sorry" umiiyak ako non.. sabi ni mama "ok" i realized my bad attitude towards my mother..sobrang sinasagot ko sya pag nag aaway kame..and im really sorry for that.. i saw my cousin randy umiiyak habang kino-comfort ni mama.. nakita ko ang mga parents kung pano sila bumigay sa healing..and many participants realized how powerful ni GOD. nang uwian, kinausap ako ni kuya raymond sabi nya " ano, next year na naman kita makikita!" sabi ko kuya ayoko mag-promise.. and he smiled.. i will not forget that camp and i wanna thank God for allowing me to accept Him again in my heart :)

Friday, May 20, 2005

TV programs..

nung nasa highschool ako..never akong nanonood ng mga chinovelas,teleseryes,telenovelas.. kase feeling ko ang baduy..(no offense sa mga nanonood) kase sa totoo lang nadadala ako ng emosyon ko (sabi nga saken ng roommate ko) naaasar ako pag binibitin yung situation..lalo na ng sumikat ang F4,5566 ata yun..at iba pa..minsan nag babasa ako ng nagchachat sa TV..tapos panay banggit ng F4 at meteor garden at parang patay na patay sila.. sabi ko wtf?!! sino ba yan?!!.. pag ako nabaliw dyan sa F4 na yan pag tatawanan ko sarili ko..and one time nanonood ang mga insan ko ng TV ko.. i saw 4 guys na mukhang asian at talagang may itsura.."joan yan ang F4" sabi ng insan ko.. cute nga sila..may K naman sila para kiligan..ang tanong may talents ba? o hidden talents na dapat itago na lang forever..oo cute sila pero kelangan pa bang mag download ng logo nila? or i-set ang kanta nila as a ringtone na hindi naman natin maintindihan? sabagay di naman natin sila masisisi..naalala ko pa non..ng grade schooler pa ko.. patay na patay ako sa the moffatts.. hhehe natatawa ako pag naaalala ko yun..talagang bumibili pako ng posters and tapes (di pa uso CD) anyway..ah may naalala ako..yung telenovela sa GMA i forgot the title..pero ang bida dun sila eddie garcia..maganda ung concept.iba-iba..hindi puro love-team..may halong family problems, society problems at sa politics din.. i admire the directors who can do a program like that..hindi puro love-team ni ganito at ni ganyan ang alam gawin..and sa totoo lang ngayong nasa college ako..nag-improve na sila..i started to appreciate their works.. eto ang para saken eh magandang panoorin..

1. Encantadia- GMA
--maganda kase kakaiba unlike others.. tsaka mapapansin mo talaga yung production design.. talagang full of effort..talagang ginagastusan..

2. Anghel na Walang Langit - ABS-CBN
--infairness..nakagawa din sila ng maganda-ganda..nakakatuwa kase yung mga bata dun..especially yung bata na nasa commercial ng isang mayonnaise ata yun.. magaling yung mga bata pati yung mga veteran actors and actresses..

pero sa totoo lang,hindi ako mahilig sa ganyan..mas gusto ko pa manood ng MTV at MYX.. pero nakakaaliw minsan panoorin..lalo na kung yun ang pinag-uusapan palagi..para maka-relate naman ako..

maganda din yung mga asian programs..

1. stairway to heaven- GMA
-- ang ganda ng story..nakakadala talaga..kaso pag tapos na..parang ang bigat sa loob..

2. endless love - GMA
-- kakaiyak.. kakalungkot ang ending..

3. lovers in paris - ABS-CBN
-- maganda..kakatuwa yung acting nila..parang totoo..pero ang panget ng ending daw nun..

4. Full House - GMA
-- laugh-trip..sobra..ang ganda pa nung bida dun...tska naaalala ko lagi yung kanta dun yung "may tatlong bear sa loob ng isang bahay" with action..hahhaha

5. All about Eve - GMA
-- nakaka-imbiyerna yung kontra bida..galing nya..pati ako naaasar nya..

im not an avid fan of those programs..pero nakakatuwang isipin na marami palang magaling na actors and directors pati staff na nakakagawa ng mga yun..sana sa tin magawa din natin or mas maganda pa dun.imagine-in mo, na pinapanood ng taga ibang bansa ang mga palabas natin tapos dina-dub sa salita nila..tapos inaabangan din tulad ng ginagawa natin..diba ang saya..


song hye kyo..(jenny of endless love and jessie of house) she's so pretty diba? Posted by Hello

Thursday, May 19, 2005

unforgettable expressions....

1. Alam mo yan eh..buhay ka eh.. (isang lasing na ka YFC ni gelene)
2. yan ang sinasabi ko sayo eh..madami kang alam eh.. (ronald, pinsan ko habang iniinis ako)
3. halika, magsindi tayo ng puting kandila (line sa let the love begin ni gloria romero)
4. anak ka ng beka.. (expression ng Cortez Clan)
5. PG to! *parang gagu* (lea austin, classmate at barkada ko sa PLM)
6. sorry, im just a goddess.. ( akin po yun!)
7. churi..churi.. (nag-sorry ala mahal)
8. sabe? sabe? di nga? di naman eh.. sabe? (pang-asar na tanong ng mga pinsan ko)
9. wushuuu... (sympre, isang pang-asar pa rin)
10. you can't see me!!!... (sam pinsan ko laging ginagaya si john cena, wrestler)
11. oh wag kang ten! relak ka lang.. (wag kang tense relax ka lang)
12. wag kang kabahan..kinakabahan ka eh.. (pag nag-wo-worry)
13. wag ka na!!! (while waving his hand infront of his face..my cuz sam)
14. ayos ah no space..P.I.M.P. pala yan eh(mapimple daw kase yung ** ng insan ko)
15. pang Mr. Earth ah..mukang lamang-lupa.. ( panlalait sa mga bf ng insan ko)
16. ang kulit! yan ang panget sa'yo eh..mukha mo.. (pag nai-irita na sa kausap)
16. wag kang maingay! may naglalaba.. (status ng isa kong friend sa YM)
17. uy labas na kayo.papatayin ko na yung exhaust fan.madilim.. (sabi ng janitress sa school sa loob ng CR sa school..)
18. ei guys magdala kayo ng canned goods na nasa lata ah.. (joyce,insan ko YFC meeting)
19. wait mali kaya yun..which is wrong.. (classmate ng insan ko)
20. can you repeat it again? (sabi ng insan ko sa kausap nya sa fone na may-pagka Amboy)
21. pinatataas nyo high-blood ko eh.. (joke ng tita ko sa min)
22.hirit ka pa eh.. la ng oras.. (pang-aasar)
23. anong oras na? tignan mo baka oras mo na.. (pang-aasar pa din)
24. ang lakas nyan eh..ang lakas mang-asar..
hahah..simpleng banat pero nakakatawa..ehehe :D

Wednesday, May 18, 2005

ewan ko..

well, i dunno kung magiging masaya ako o hindi sa pag kaka retain ko sa PLM.. kase ayoko na talaga dun..sila mama gusto talaga.. ayoko na kasing pahirapan sarili ko.. pero yun na eh.. enrollment na sa katapusan.. thankful ako kahit papano kase di lalaki ang gastos nila Ma.. kaya lang mas mahirap kase ang taas ng average na dapat kong i-maintain.. starting this yr hanggang sa huli.. hhaaayyy...anyway...bahala na..basta mag-aaral na lang ako mabuti..